Mga Mahahalagang Paalala

1. Dumarami ang nagkakasakit sa puso, at ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan sa buong mundo.

2. Hindi napapansin ang mga sintomas ng atake sa puso sa mahigit 50% ng mga kababaihan.

3+

Ang mga babae ay mas malamang na nagkakaroon ng 3 o higit pang mga sintomas bilang karagdagan sa pananakit ng dibdib.

Humingi ng agarang medikal na atensyon kung sa inyong palagay ay mayroong inaatake sa puso.

MGA SINTOMAS NG ATAKE SA PUSO NA MADALAS NA NAIUULAT NG MGA KABABAIHAN

  • Pananakit, paninikip o pamimigat ng dibdib
  • Pananakit ng panga, leeg, braso, o likod
  • Labis na pagpapawis
  • Kakapusan ng hininga
  • Pananakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, o impacho

IBA PANG KASAMA O MAY KAUGNAYAN NA MGA SINTOMAS

  • Hindi pangkaraniwang panghihina o pagkapagod
  • Pananakit ng likod, balikat o kanang braso
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagkahilo o pagkalula
  • Mabilis o iregular na tibok ng puso

3. Maaaring iba ang mga tipo ng sakit sa puso sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Maaaring hindi gaanong alam ng ilang mga health provider ang mga pagkakaiba sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan.
  • Sakit sa coronary artery
  • Sakit sa valve ng puso
  • Arrhythmia (mabilis, mabagal o iregular na pagtibok ng puso)
  • Spontaneous coronary artery dissection (SCAD)
  • Coronary vasospasm
  • Microvascular dysfunction (sakit sa maliit na daluyan ng dugo)
  • Takotsubo o stress-induced cardiomyopathy (sakit ng kalamnan ng puso)
  • Peripartum cardiomyopathy (mahina na puso sa panahon o pagkatapos ng pagbubuntis)

4. Maaaring nasa mas malaking panganib ang mga babae na magkaroon ng sakit sa puso kaysa sa mga lalaki.

Ang mga sumusunod na kundisyon ay dumadagdag sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso:

Ilang mga komplikasyon ng pagbubuntis
(Halimbawa: napaagang panganganak, diabetes o high blood pressure habang buntis, preeclampsia)

Maagang menopause
(Edad na 50-52 taon)

Polycystic ovary syndrome

Systemic inflammatory at autoimmune disorders (Halimbawa: Rheumatoid arthritis, lupus)

Paninigarilyo
(3x na mas mataas ang panganib sa atake sa puso ng mga kababaihan dahil sa paninigarilyo kumpara sa mga lalaki)

Diabetes mellitus
(Ang mga babaeng may diabetes ay 3x na mas malamang na namamatay sa sakit sa puso kumpara sa mga lalaki)

5. Lahat tayo ay may magagawa upang mabawasan ang panganib ng sakit sa puso. Ito ay madalas na naiiwasan.

Maging aktibo, patuloy na gumalaw

Kumain ng iba't ibang masustansyang pagkain

I-manage ang stress

Iwasan ang sigarilyo at vape

Limitahan ang pag-inom ng alak

Regular na magpatingin sa doktor
(pagsusuri para sa asukal sa dugo, presyon ng dugo at kolesterol)

Upang maalagan ninyo ang iba, kailangan niyong alagaan ang inyong sarili muna.